340 Pulis, Nagsanay para Palakasin ang Kampanya laban sa Insurhensiya

Cauayan City, Isabela­- Pormal nang nagsimula sa Basic Internal Security Operations Course (BISOC) ang nasa kabuuang 340 bagong mga pulis sa Cagan Valley ngayong araw.

Pinangunahan ni Regional Director PBGen. Crizaldo Nieves ng Police Regional Office 2 (PRO2) ang pagbubukas ng seremonya ng nasabing course sa mismong Grandstand.

Sa kanyang mensahe, hinamon nito ang mga bagong pulis na magseryoso sa kanilang pagsasanay at ibigay ang kanilang pinakamahusay na kasanayan at mabisang para sa kanilang itinalagang gawain.


Tatagal naman ng 60 araw ang training course na pangungunahan ng the Regional Special Training Unit 2 kung saan kinakailangan maitanim sa mga isip nito ang ilang mahahalagang kasanayan at kaalaman para sa Internal Security Operations (ISO).

Bukod dito, ang nasabing bilang ng mga pulis ang mailalagay na kauna-unahang batch na mapapabilang sa pagsasaayos muli ng Mobile Forces sa ilalim ng Directorate for Integrated Police Operations Northern Luzon (DIPO-NL) kung saan kailangan palakasin ang kampanya laban sa insurhensiya sa rehiyon.

Facebook Comments