34,000 pulis, ide-deploy ng PNP para sa Oplan Summer Vacation

Inihahanda na ng Philippine National Police (PNP) ang latag ng seguridad para sa Oplan Summer Vacation (SUMVAC).

Ayon kay PNP Public Information Office Chief PCol. Jean Fajardo, 34,000 pulis ang kanilang ide-deploy sa iba’t ibang panig ng bansa para sa seguridad ng mga bakasyonista at turista.

Tututukan aniya ng mga pulis ang mga major transportation terminals, areas of convergence, tourist spots maging ang mga simbahan ngayong Holy Week break.


Kasama aniya sa plano ang pag-deploy ng 7,000 trained tourist police sa mga popular tourist destinations at pagtatatag ng Police Assistance Desks sa mga matataong lugar.

Kasunod nito, ipapaubaya na ng pamunuan ng Pambansang Pulisya sa mga regional director ang security deployment sa kani-kanilang nasasakupan, at pagtatakda ng alert status, depende sa sitwasyon.

Facebook Comments