34,000 tauhan ng AFP, PNP handa na sa posibleng rescue ops sa kasagsagan ng bagyong Betty

Handa na ang kabuuang 34,000 tauhan ng Philippine National Police at Armed Forces of the Philippines para sa search, rescue at retrieval operations ng posibleng mga biktima ng bagyong “Betty.”

Ayon kay PNP Public Information Office Chief Brig. Gen. Redrico Maranan, halos 22,000 dito ay mga pulis na sinanay sa ganitong mga operasyon.

Naka-standby na rin ang kanilang mga equipment at sasakyan.


Pinagana na rin ng PNP ang kanilang Disaster Incident Management Task Group.

Nasa 12,000 sundalo naman ang ipakakalat ng AFP kabilang ang mga reservist bilang mga first responder.

Una nang nakapaghatid ng 850 boxes ng relief goods sa Basco, Batanes ang Philippine Air Force para sa mga maaapektuhan ng bagyo.

Facebook Comments