Pumalo na sa 975 ang bilang ng mga residente na nag-positibo sa Coronavirus disease o COVID-19 sa Lungsod ng Maynila.
Base sa datos ng Manila Health Department (MHD), 18 na karagdagang kaso ang naitala kahapon kung saan mayroon silang tinututukang 727 active cases.
Nasa 1, 232 naman ang itinuturing na suspect, 497 ang itinuturing na probable, 160 ang nag-rekober habang 88 naman ang binawian ng buhay.
Ang Tondo District 1 pa din ang may pinakamtaas na kaso ng COVID-19 na nasa 204 ang bilang na sinundan ng Sampaloc District na may 123.
Samantala, patuloy ang isinasagawang mass testing sa Lungsod ng Maynila upang agad na matukoy ang mga kaso ng COVID-19.
Umaabot na sa 5,491 ang bilang ng sumailalim sa swab test, habang 21,033 naman ang sumalang sa rapid test na ginagawa sa mga pasilidad o ospital na nasa ilalim ng lokal na pamahalaan ng Maynila.