Pasay City Health Office, naghahanap ng mga registered nurse

Nangangailangan ngayon ang lokal na pamahalaan ng Pasay partikular ang City Health Office ng mga registered nurse.

Ito ay upang idestino sila sa COVID isolation facilities sa ilalim ng “Ligtas COVID-19 Project.”

At dahil ito ay project base na trabaho, makatatanggap ang makukuhang nurse ng sahod na P3,000 kada araw.

Bukod sa sweldo, mayroon din silang P500 na hazard pay, libreng pagkain, libreng accommodation at transportasyon mula sa tinutuluyan nito hanggang sa isolation facility at pabalik.

Kailangan lamang na magpakita ng board certificate at PRC license ang mga nurse bilang requirements kung saan maaari din nilang i-download ang link ng personal data sheet na makikita sa Pasay City Public Information Office Facebook page.

Sakaling makumpleto ang mga requirements, maaari itong dalhin sa tanggapan ng Pasay City Health Office sa Room 106 sa Pasay City Hall at maaari din tumawag sa numerong 8551-2026 / 0905-3679312 para sa iba pang detalye.

Facebook Comments