343 FISHERFOLKS SA LALAWIGAN NG CAGAYAN, MAKATANGGAP NG FISHING GEARS

CAUAYAN CITY – Upang matulungan ang sektor ng mangingisda sa lalawigan ng Cagayan, muling namahagi ng fishing gears ang Provincial Government of Cagayan (PGC) sa pamamagitan ng Office of the Provincial Agriculturist (OPA).

Ang ginamit na pondo para sa mga kagamitan ay mula sa donasyon ni Pang. Ferdinand Marcos Jr. na nagkakahalaga ng P15 milyon.

Pinangunahan naman ni Gov. Manuel Mamba ang aktibidad kung saan 343 na mangingisda mula sa bayan ng Ballesteros, Claveria, at Sta. Praxedes ang nakatanggap ng mga gamit sa pangingisda.


Bukod sa mga nabanggit na bayan, magtutungo rin sa mga susunod na araw ang OPA sa bayan ng Abulug, Pamplona, at Calayan upang mamahagi rin ng mga fishing gears.

Facebook Comments