344 distressed OFWs mula sa Saudi Arabia, dumating ng bansa

86

344 na distressed Overseas Filipino Workers (OFWs) mula sa Saudi Arabia ang dumating sa bansa.

Ilan sa kanila ay may medical condition at may ilan ding may mental health issue.

Karamihan din sa kanila ay matagal nang nasa shelter ng Philippine Embassy sa Riyadh.


Ayon sa ibang distressed OFWs, hindi agad sila nakauwi ng Pilipinas dahil ilan sa kanila ay hindi bakunado.

Ang mga hindi bakunadong distressed Pinoys ay sasailalim sa 5 araw na hotel quarantine bago makauwi sa kanilang tahanan.

Facebook Comments