346 Pinoys na biktima ng human trafficking sa Myanmar, dumating na sa bansa

Dumating sa NAIA 1 ang 346 na Filipino repatriates na biktima ng human trafficking sa Myanmar, pasado alas-3:00 ng hapon ngayong November 12, 2025.

Ang naturang Pinoy repatriates ay sakay ng chartered flight ng Philippine Airlines mula Thailand.

Ayon sa Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC), ang naturang mga Pinoy ay kabilang sa scam hubs sa KK Park, Myawaddy, Myanmar.

Kinumpirma ng PAOCC na itinawid ang mga Pinoy sa Mae Sot River sa Mae Sot, Thailand at mula doon sila ay dinala sa Bangkok para sa chartered flight.

Ayon kay Migrant Workers Sec. Hans Leo Cacdac, ang naturang repatriates ay sasailalim sa sa protocols ng Inter-Agency Council Against Trafficking ng DOJ dahil sila ay mga biktima ng human trafficiking.

Mula naman NAIA 1, dinala ang Pinoy repatriates sa isang hotel sa Pasay City.

Facebook Comments