Inihayag ng pamunuan ng Department of Foreign Affairs (DFA) na nakauwi na ng bansa ang mahigit 300 na mga OFW mula Dubai sakay ng eroplano na inupahang ng DFA.
Ayon sa DFA, ang 347 OFW ay bahagi ng kabuuang 1,920 distressed na mga manggagawang Pilipino mula UAE na balik Pilipinas noong buwan ng Hunyo.
Paliwanag ng DFA, bukod umano ito sa tatlong biyahe na inasikaso naman ng mga Manning Agency nitong Hunyo na nakapag-uwi ng 886 na marino.
Ngayong Hulyo naman, inaasahang balik-bansa sa ika-17 ang may 350 na Pilipino.
Dagdag pa ng DFA na dalawang biyahe pa ang inorganisa ng isang manning agency at ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ang inaasahan din mag-uuwi ng iba pang OFW.
Facebook Comments