Iginagalang ng Department of Education (DepEd) ang desisyon ng mga magulang na hindi i-eenroll ang kanilang mga anak sa gitna ng banta ng COVID-19 pandemic.
Ayon kay Education Undersecretary Nepomuceno Malaluan, hindi nila maaaring pilitin ang mga magulang na i-enroll ang kanilang mga anak.
Sinabi ni Malaluan na mayroong interventions na ilalatag kasabay ng pagbubukas ng klase na makakatulong ng pangmatagalan sa education system, kabilang ang distance learning.
Samantala, sinabi ni Teachers Dignity Coalition Chairperson Benjo Basas na pabor siya na ituloy ang pag-aaral ng mga estudyante pero ang paghahanda para rito ay kailangan pa ng karagdagang panahon.
Facebook Comments