Monday, March 2, 2026

35-ANYOS NA LALAKING NAHULI SA AKTONG PAGNANAKAW NG KABLE NG KURYENTE SA MANAOAG, NAKUMPISKAHAN NG SHABU

Isang 35-anyos na lalaki ang inaresto matapos umanong mahuling nagnanakaw ng mga kable ng kuryente sa isang kalsada sa Manaoag kaninang madaling araw, Marso 2, 2026.

Ayon sa imbestigasyon, bandang 2:50 hanggang 3:20 ng madaling araw nang mahuli sa aktong kumukuha ng electric cable wires ang suspek ng mga opisyal ng barangay. Agad itong iniulat sa Manaoag Municipal Police Station na nagresulta sa pagkakaaresto sa lalaki sa mismong lugar.

Ayon sa kapulisan, kinilala ang suspek bilang residente ng Urdaneta City.

Bukod sa insidente ng pagnanakaw, nakumpiska rin mula sa suspek ang 0.10 gramo ng hinihinalang shabu na may tinatayang halaga na ₱680, na nakalagay sa plastic sachet.

Narekober din ang isang glass tooter, lighter at dalawang bala ng caliber .38 na baril.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng pulisya ang suspek para sa kaukulang kasong kaugnay sa paglabag sa Section 11, Article 2 ng Republic Act No. 9165 o Illegal Possession of Dangerous Drugs sa ilalim ng Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments