Naaresto ang isang 35-anyos na tricycle driver sa Barangay Salpad, San Nicolas, Pangasinan dahil sa kaso ng pang-aabuso sa bata kaugnay ng paglabag sa Section 5(B) ng Republic Act No. 7610 o Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act.
Isinagawa ang operasyon ng 104th Maneuver Company kasama ang San Nicolas Municipal Police Station at Regional Intelligence Division PRO-1 sa bisa ng warrant of arrest, na may inirekomendang piyansa na ₱200,000.
Kinilala ang suspek bilang residente ng La Union.
Dinala muna ang suspek sa ospital para sa medical at physical examination bago ito isinailalim sa kustodiya ng San Nicolas MPS habang pinoproseso ang kaso.
Facebook Comments








