35 centimong bawas-singil sa diesel at pisong rollback sa gasolina, ipatutupad ng mga oil companies simula bukas

Epektibo na simula bukas, April 12 ang ipapatupad na rollback ng mga oil companies.

 

Sa abiso ng Cleanfuel, bababa ng 35 centavos ang kada litro ng diesel habang nasa piso naman ang ibabawas sa kada litro ng gasolina.

 

Kasama rin sa rollback ang kerosine kung saan ayon sa Pilipinas Shell ay tatapyasan ito ng 3 piso kada litro.


 

Epektibo ang rollback bukas alas sais ng umaga sa Pilipinas Shell at Petrogazz habang alas otso ng umaga naman bukas para sa Cleanfuel.

 

Nakatakda namang maglabas ng abiso ang iba pang oil companies ngayong araw.

Facebook Comments