Nasa 35 deboto na ang nabigyan ng atensyong medikal ng mga volunteers ng Philippine Red Cross (PRC) na nakaposte sa mga first aid stations at welfare desks sa paligid ng Quiapo Church.
Ayon kay Senator Richard Gordon na syang Chairman and CEO ng PRC, 26 sa mga ito ay nagpakuna ng blood pressure.
Ang iba naman ay binigyang ng first aid dahil sa tinamong minor injuries tulad mga sugat, gasgas, paltos at mayroon ding inatake ng asthma.
May ambulance din na nakahanda ang PRC para sa deboto na kakailanganing itakbo sa pinakalamapit na ospital.
Bukod sa mga PRC volunteers ay nananatili ding nakadeploy at nakaalerto sa paligid ng Quiapo ang mga kawani ng Manila Health Department, mga district hospitals sa lungsod at Manila Disaster Risk Reduction and Management Office.
Mayroon ding upscale ambulance na ipinakalat ang Manila City Gov’t bukod pa sa mga ambulansyang inihanda ng Ospital ng Sampaloc, Ospital ng Tondo, at Ospital ng Maynila Medical Center.