Puno ng saya, musika, at liwanag ang SM City Rosales matapos pormal na sindihan noong Sabado ang kanilang 35-foot Giant Christmas Tree, bilang hudyat ng pagsisimula ng Kapaskuhan sa Pangasinan.
May temang “Santa’s Christmas Giftland,” pinangunahan ng pamunuan ng SM Rosales at mga opisyal ng lokal na pamahalaan ang taunang Christmas Tree Lighting Ceremony.
Ayon kay Assistant Mall Manager Chao Chua, layunin ng programa na maghatid ng pag-asa at ipaalala ang patuloy na pag-ibig at pagkakaisa ng mga Pilipino ngayong Pasko.
Tampok din sa okasyon ang iba’t ibang Christmas attractions, promos, at performances mula sa mga local artists na nagbigay-sigla at kasiyahan sa mga manonood.
Samantala, sinabi ni Tourism Officer Jiece Ramirez na sinusuportahan ng LGU ang ganitong mga aktibidad dahil pinalalakas nito ang diwa ng pagkakaisa at malasakit sa komunidad.
Sa countdown highlight, sabay-sabay na nagbilang ang mga bisita bago tuluyang lumiwanag ang higanteng Christmas Tree sa gitna ng atrium, isang makulay na hudyat ng pagsisimula ng Paskong Pinoy sa SM City Rosales.









