35-hour work week para sa private sector workers, ibinasura ng DOLE

95

Hindi pinaboran ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang panukalang bawasan ang weekly work schedule ng mga manggagawa sa pribadong sektor ng hanggang 35 oras sa isang linggo.

Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, mababawasan lamang ang kita ng mga empleyado.


Iginiit ni Bello na ang minimum working hours ay dapat 40 hours.

Kung ang intensyon ng panukala ay mabawasan ang trapiko sa kalsada, maaari namang magawa ito sa pamamagitan ng ibang paraan tulad ng pagpapatupad ng flexible work arrangements at work from home.

Facebook Comments