Ikinatuwa ng ilang residente sa bayan ng San Fabian ang pagkakaroon ng 35 pesos sa bawat kilo ng bigas sa palengke rito.
Sa panayam ng IFM news Dagupan sa ilang rice retailer sa bayan, ngayong buwan pa lang umano nagsimula ang naturang presyuhan kung saan ay may kagandahan na rin ang klase o tinatawag na malambot/maalsa.
Sa naturang bayan, nasa 35 pesos ang pinamababang presyo na inaalok sa kada kilo ng bigas habang nasa 54 pesos naman ang pinakamataas depende sa klase.
Mabenta umano ang mga bigas na nasa 35 hanggang 40 pesos dahil pasok umano sa budget kahit papaano ng normal na konsyumer. Samantala, umaasa pa ang mga konsyumer na magtutuloy tuloy ang pagbaba sa presyo ng bigas sa merkado. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments









