33 lalaki at dalawang babae ang dinampot ng mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) sa Brgy West Crame sa San Juan City.
Dinampot ang mga ito ng mga tauhan ng San Juan City Police dahil sa patuloy pagala-gala kahit na ipinatutupad ang Enhanced Community Quarantine (ECQ).
Dinala ang mga ito sa barangay hall at pinaliwanagan ng peligrong dulot ng pagkalat ng Coronavirus Disease 2019 o COVID-19 at ang kahalagahan ng ipinatutupad na ECQ kaya dapat ay nasa loob lang ng bahay ang lahat.
Reklamo ni Brgy. West Crame Barangay Chairman Lino Trinidad sa mga pulis, ilang beses na silang naglilibot para sawayin ang kanilang mga ka-barangay pero pilit na lumalabas ng kanilang tahanan at hindi nakikinig sa abiso.
Pinauwi naman agad ang 35 indibdiwal matapos kausapin ng mga pulis at mga barangay officials.