35 na kandidato sa BSKE na sangkot sa premature campaigning, sinampahan na ng disqualification case ng COMELEC ngayong araw

Nasa 35 na kandidato ng Barangay at Sangguniang Kabataan (BSKE) ang sinampahan ng disqualification case ng Commission on Elections (COMELEC) ngayong araw.

Ayon kay COMELEC Task Force Anti-Epal Head Director Jose Nick Mendros, kabilang sa mga ipinapa-disqualify ng COMELEC ang ilang kandidato na inireklamo dahil sa maagang pagpapaskil ng campaign posters, pagbabahay-bahay, at pangangampanya sa social media.

Sinabi naman ni COMELEC Clerk of the Commission Atty. Genesis Gatdula, na sisimulan na sa Lunes ang pag-raffle sa mga division ng mga inihaing disqualification case.


Wala aniyang specific timeline ang pagresolba nila sa mga kaso, pero may basbas na umano ito para i-expedite o bilisan ang pagresolba at paglalabas ng desisyon.

Sa huling datos ng COMELEC, aabot na sa higit 3,000 kandidato ang napadalhan ng Show Cause Orders dahil sa premature campaigning habang nasa 199 ang posibleng masampahan ng disqualification case.

Facebook Comments