35% ng kabuuang populasyon ng bansa, bakunado na pagsapit ng Agosto ayon sa Palasyo

Tiwala ang Palasyo na makakamit ng bansa ang 35% ng kabuuang populasyon ng bansa o tinatayang 110M population ang bakunado na pagsapit ng buwan ng Agosto.

Ayon kay Presidential Spokesperson Sec. Harry Roque, base sa mga eksperto magkakaroon ng impact ang vaccination program ng pamahalaan kapag fully vaccinated na ang atleast 35% ng kabuuan nitong populasyon.

Sinabi pa ni Roque na makakamit natin ang nasabing target kapag naisakatuparan na ang simultaneous vaccination.


Sa ngayon, prayoridad ng National Task Force against COVID-19 na mabigyan bakuna ang mga nasa high risk areas kabilang na ang NCR Plus areas, Cebu at Davao city.

Sa pinakahuling datos, nasa 2.9M COVID-19 vaccines ang naiturok na mula A1 hanggang A3 priority list.

2.2 million indibidwal ang nakatanggap ng 1st dose ng bakuna habang nasa 700,000 naman ang tapos na sa kanilang 2nd dose.

Facebook Comments