35 OFW na umuwi sa Isabela, Mahigpit na nakaquarantine sa isang Resort at Hospital

*Cauayan City, Isabela*- Umakyat na sa 30 ang bilang ng mga Overseas Filipino Workers (OFW) ang naka-strict quarantine ngayon sa isang resort sa Cordon, Isabela bilang bahagi ng protocol sa mga uuwing OFWs.

Ayon kay Provincial Information Officer Atty. Elizabeth Binag, kabilang din ang limang (5) manggagawa na nakastrict quarantine sa Echague District Hospital kasama rin ang mga sumundo sa kanila sa airport at nakaquarantine ngayon.

Dagdag pa ng opisyal na nag-iikot sila upang matiyak na ligtas at hindi magkaroon ng posibleng pagkalat ng naturang sakit bagama’t kabilang palang ang mga ito sa Patient under Monitoring.


Samantala, kinakailangang magkaroon ng koordinasyon ang mga uuwing OFW sa Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) para sa pagsundo sa kanila ng Provincial Government ng Isabela.

Inaasahan naman na madaragdagan pa ang bilang ng mga uuwing OFW na kinakailangang mai-quarantine gayundin ang mga quarantine area para sa mga ito.

Facebook Comments