35 pinaghihinalaang miyembro ng MNLF, nadakip ng Armed Forces of the Philippines sa Rizal

Kinumpirma ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na mayroong tatlumpu’t limang (35) pinaghihinalaang miyembro ng Moro National Liberation Front (MNLF) ang nadakip sa San Mateo, Rizal kahapon.

Ayon kay AFP Spokesperson Major General Edgar Arevalo, kinabibilangan ang mga nadakip ng dalawampu’t anim (26) na lalaki at siyam (9) na babae na naaresto sa joint operation ng AFP at Philippine National Police (PNP).

Kinasuhan na ang mga ito ng paglabag sa Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act matapos makuha ang dalawang kalibre ng kwarenta y singko (45) na baril, mga bala at iba pang kagamitan.


Sa kabila nito, itinanggi naman ni MNLF Chairman Nur Misuari na kasapi ng kanilang grupo ang mga naaresto.

Samantala, nilinaw ng Department of Justice (DOJ) na tanging pagkumpiska ng mga armas ang ginagawa nilang aksyon upang markahan ang mga grupo na terorista at hindi ang pag-aresto.

Paliwanag ni Justice Undersecretary Adrian Sugay, maaaring silipin ng Anti-Money Laundering Council (AMLC) ang mga ari-arian ng mga “designated” sa ilalim ng Republic Act 10168 o ang “The Terrorism Financing Prevention and Suppression Act of 2012.”

Facebook Comments