35 policewomen, sumailalim sa First-Aid Refresher Course para sa pagbubukas ng eskwela

Nagtapos sa First-Aid Refresher Course sa camp Crame ngayong umaga ang 35 policewomen.

Ayon kay PNP Spokesperson Police Col. Bernard Banac, ang 35 mga babaeng pulis na ito ay kabilang  sa 48 pulis na  dalawang araw na nagsanay bilang bahagi ng paghahanda ng PNP para sa Nationwide School Opening sa June 3.

Ang aktibidad ay pinangunahan ng PNP Headquarters support Service (HSS) sa pamumuno ni PBGen Rene Pamuspusan, at ng PNP Health Service, sa pamumuo ni PBGen John Luglug.


Ayon kay PCol Antonino Cirujales, Deputy Director for Operations ng HSS layunin ng pagsasanay na mapaangat pa ang kaalaman sa First Aid ng mga pulis, bilang first responders sa anumang emergency.

Matatandaang sinabi ni PNP Chief Police General Oscar Albayalde na bilang bahagi ng Oplan ligtas balik eskuwela 2019 ay magdedeploy ang PNP ng mga Police Assistance desks sa bisinidad ng mga paaralan at mga transport hubs para rumesponde sa anumang emergency ng mga mag-aaral.

Facebook Comments