35 pulis, nadagdag sa mga positibo sa COVID-19

Dumami pa ang mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) na nagkasakit ng COVID-19.

Batay sa ulat kahapon ng PNP Health Service, may panibagong 35 pulis ang naging infected ng COVID-19 kaya naman umabot na sa 10,288 ang kabuuang bilang ng COVID cases sa Pambansang Pulisya.

Sa bilang na ito, 620 ang active cases, habang ang 35 na mga bagong positibo, 13 naitala sa Police Regional Office o PRO-7, pito sa National Capital Region Police Office (NCRPO), tig-tatlo sa National Operation Support Unit (NOSU), PRO-5, PRO-9 at PRO-BAR habang dalawa sa PRO-11 at isa sa PRO-4A.


Nakapagtala naman ang PNP Health Service ng 21 PNP personnel na bagong gumaling sa COVID-19 kaya naman mayroon nang kabuuang 9,639 recoveries sa PNP.

Nananatili naman sa 29 na pulis ang namatay dahil sa COVID-19.

Facebook Comments