35 repatriated Filipinos galing Afghanistan, nakauwi na sa Pilipinas

Nakauwi na sa Pilipinas ang 35 repatriated Filipinos galing Afghanistan na lumikas dahil sa nagpapatuloy na tensiyon doon.

Sa inilabas na pahayag ng Department of Foreign Affairs (DFA), sakay ang mga Pilipino ng chartered plane mula Doha patungong Manila sa tulong na rin ng kani-kanilang mga kumpanya.

Dumating ang mga ito sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA Terminal 1).


Sa ngayon, nasa halos 100 pa ang Pilipinong nasa Afghanistan na una nang pinapauwi ng DFA dahil sa tensiyong idinulot ng Taliban forces.

Facebook Comments