Nasa tatlumpu’t limang senior citizens sa Infanta ang nakatanggap ng tulong pinansyal sa ilalim ng Expanded Centenarians Act.
Sa ulat ng National Commission of Senior Citizens (NCSC) Region I, matagumpay na naisakatuparan ang distribusyon sa tulong ng lokal na pamahalaan ng Infanta, kung saan tumanggap ang bawat benepisyaryo ng 10,000 pesos bilang pagkilala sa mahaba nilang buhay at ambag sa komunidad.
Mula ang mga ito sa sampung barangay ng bayan.
Tiniyak naman ng LGU ang seguridad ng mga benepisyaryo, maging ang medical assistance at transportasyon, lalo na para sa mga may limitasyon sa paggalaw. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments










