Nailigtas ng tropa ng 4th Infantry (Diamond) Division ng Philippine Army ang 35 stray dogs mula sa demolition sites sa Camp Evangelista Military Reservation, Cagayan de Oro City.
Ang pagsagip sa mga aspin ay bahagi ng ongoing clearing operations kaugnay ng demolisyon ng tahanan ng mga informal settler sa loob ng kampo militar.
Ang mga nasagip na aso ay nasa pangangalaga na ngayon ng Loving Home for Strays na isang non-governmental organization.
Kasunod nito, binigyang diin Major General Jose Maria Cuerpo II, Commander ng 4ID ang kahalagahan ng compassion at pangangalaga sa kapakanan hindi lamang ng taumbayan kundi maging ng mga inabandonang alagang hayop.
Nabatid na ang demolisyon sa mga tahanan sa loob ng kampo ng militar sa CDO ay alinsunod narin sa kautusan ng Korte Suprema nuong isang taon na layong palawakin ang base militar sa naturang lalawigan.