35 taong pagkakabilanggo – ipinataw sa lalaking nag-insulto sa hari ng Thailand

Thailand – 35 taong pagkakakulong ang haharapin ng isang lalaking Thai dahil sa pang-iinsulto nito sa monarkiya ng Thailand.

Ito ay matapos na mag-post sa Facebook ang suspek na si Vichai Thepwong, 34 anyos ng sampung message at picture na ini-insulto ang hari ng Thailand.

Napatunayang ‘guilty’ sa iba’t ibang paglabag sa batas ng monarkiya ng Thailand ang suspek na dating insurance salesman.


Naaresto si Vichai sa Chiang Mai, Thailand noong 2015.
DZXL558

Facebook Comments