35 tauhan ng Manila Fire District, naka-deploy ngayong araw sa Binondo kaugnay ng Chinese New Year

23

35 mga tauhan ng BFP mula sa Manila Fire District ang ipinakalat sa Binondo area sa Maynila para sa pagdiriwang ng Chinese New Year.

Ayon kay Manila Fire District Chief Fire Senior Supt. Rodolfo Denaga, bukod sa nasabing mga bumbero, may nakakalat din tatlong fire trucks, isang ambulansya at isang rescue vehicle ng BFP sa Binondo


Layon nito na mabantayan ang sitwasyon sa pagdiriwang ng Chinese New Year.

Kagabi, nagkaroon ng fireworks display sa may Jones Bridge at malaking konsyerto sa tapat ng Binondo Church o sa Plaza Ruiz.

Facebook Comments