Cauayan City – Matagumpay na nagtapos sa kanilang Basic Training ang 350 Citizen Armed Force Geographical Unit (CAFGU) kahapon, ika-17 ng Disyembre sa 5th Division Training School, 5th Infantry Division (5ID), Philippine Army.
Si MGen. Gulliver L. Señires, Commander ng 5ID, ang nagsilbing keynote speaker sa seremonya.
Binigyang-diin niya ang mahalagang papel ng CAFGU sa bansa, partikular sa pagtugon sa mga hamon ng Humanitarian Assistance and Disaster Response (HADR) at sa pagpapanatili ng pambansang depensa.
Ang mga bagong enlisted personnel ng Laang Kawal ng Bansa ay dumaan sa pagsasanay sa mga taktika ng pakikipaglaban at epektibong pagtugon sa mga kalamidad na nararanasan sa bansa.
Bilang pagkilala sa kanilang pagsisikap at dedikasyon, nakatanggap din ng maagang pamasko ang bawat nagtapos mula sa kasundaluhan ng 5ID.