350 na incoming cadets ng PMA Class of 2024, isinasailalim na sa mandatory quarantine bago tumungo sa Fort del Pilar sa Baguio City

Sumasailalim na ngayon sa 14 days quarantine ang 350 mga incoming cadets ng Philippine Military Academy Class of 2024.

Ayon kay PMA Spokesperson Major Cherryl Tindog, pagkatapos ng 14 days quarantine ay isasailalim rin sa RT-PCR swabbing testing ang mga incoming cadets bilang pagsunod sa Department of Health Protocol.

Pagkatapos ng RT-PCR testing at mandatory quarantine ay saka pa lamang sila dadalhin sa PMA headquarters sa Fort del Pilar, Baguio City.


Pero sakaling may magpositibo sa kanila sa COVID 19, ay mananatili silang naka-quarantine.

Dahil dito kinakailangang may medical certificate ang bawat incoming cadet na patunay na sila ay COVID-19 free bago papayagang bumiyahe patungong Fort del Pilar sa Baguio City.

Sabi ni Major Tindog, pagdating sa PMA ay ihihiwalay ang Class 2024 sa ibang mga miyembro ng Cadet Corps ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na kasalukuyang nagsasagawa ng training.

Sa ngayon nananatiling sarado sa publiko ang PMA para mapanatili itong COVID-19 free.

Facebook Comments