Ipina-antabay na ng British Ministry of Defense ang nasa 3,500 troops nito para tumulong sa contingency plans sakaling magkaroon ng no-deal Brexit.
Ang contingency plans ay bahagi ng “operation redfold”, isang British military crisis management operation sakaling kumalas ang United Kingdom sa European Union na walang kasunduan.
Pinagana na rin ang “Pindar”, ang military bunker ng UK.
Sa ngayon, patuloy ang pagpupulong ng EU leaders sa hiling na extension ni British Prime Minister Theresa May.
Pero una nang nakasaad sa draft statement na aaprubahan ng EU ang Brexit extension hanggang May 22.
Facebook Comments