3,500 pesos cash allowance, ipapamahagi ng DepEd sa mga guro ngayong Hunyo

Magbibigay ng 3,500 pesos ang Department of Education (DepEd) bilang cash allowance sa mga guro ngayong darating na buwan ng Hunyo.

Base sa department memorandum na nilagdaan ni Education Undersecretary for finance Annalyn Sevila, alinsunod sa Learning Continuity Plan (LCP) gagamitin ng mga guro ang cash allowance sa pagbili ng kinakailangang kagamitan sa classroom ngayong nalalapit na pasukan.

Ang LCP ang pangunahing tugon ng DepEd para matiyak ang kalusugan at seguridad ng kanilang mga mag-aaral, guro at mga personnel sa gitna ng nararanasang krisis sa COVID-19.


Ang school year 2020-2021 ay magsisimula sa ika-24 ng Agosto at magtatapos sa April 30, 2021.

Facebook Comments