Natanggap na ng aabot sa 35 libong benepisyaryo ang kanilang fuel subsidy bilang tulong sa patuloy na nararanasang oil price hike.
Kinumpirma ito ni Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Executive Director Maria Kristina Cassion kasunod ng pagsisimula ng pamamahagi ng 6,500 pesos na fuel subsidy sa mahigit 300 libong benepisyaryo.
Inaasahan naman ni Cassion na matatapos ng Land Bank of the Philippines ang pamamahagi ng ayuda sa 136,000 tsuper at operator ng pampublikong sasakyan ngayong Biyernes.
Samantala, sinabi naman si Transportation Secretary Arthur Tugade na matatagalan ang pamamahagi ng fuel subsidy sa ibang benepisyaryo rito.
Paliwanag ng kalihim, wala pa silang masterlist ng mga taxi drivers, shuttle at tourist drivers at technology- and app-based Transport Network Vehicle Service (TNVS) dahil bahagi sila ng expanded program ng fuel subsidy.
Inaasahan naman itong matatanggap hanggang March 25, 2022. Mangangailangan aniya ito ng P24B na pondo.
Maliban dito ay ang pagtatalaga ng mga kinatawan sa National Wages and Productivity Commission at Regional Tripartite Wages and Productivity Board upang matalakay ang wage increase.
Paliwanag ni Asec. Tutay sa ngayon 6 na rehiyon sa bansa ang mayroong petition for wage increase kung saan kahapon ay naghain ang Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) ng P400 na across the board wage increase para sa mga manggagawa ng National Capital Region (NCR).