Aabot sa 350,000 kilos ng mga basura ang kabuuang nakolekta sa isinagawang nationwide coastal cleanup na nilahukan ng nasa 74,000 volunteers.
Pinangunahan ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang inisyatiba bilang bahagi ng selebrasyon ng International Coastal Cleanup Day.
Mismong sina DENR Secretary Maria Antonia Yulo-Loyzaga at DENR-NCR OIC Regional Executive Director Atty. Michael Drake Matias ang nanguna sa cleanup sa bahagi ng seaside sa SM by the Bay sa Pasay City.
Ayon sa DENR, pagpapakita rin ito ng commitment ng mga komunidad na magtulungan para sa isang mas malinis na kapaligiran.
Kabilang naman ang mga empleyado ng DZXL News sa nakiisa sa cleanup drive.
Ang ICC ay isang global initiative na layong hikayatin ang mga komunidad na linisin ang mga baybayin at ipakita ang kahalagahan ng pagprotekta sa marine ecosystems.