Aabot sa 355 volcanic earthquakes ang naitala sa Bulkang Taal sa nakalipas na 24-oras.
Batay sa abiso ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), maliban sa pagyanig nakapagtala rin ng upwelling ng “hot volcanic fluids” sa nakalipas na magdamag.
Mula sa datos, 201 low-frequency earthquakes at 154 volcanic tremor events ang naitala na nagtagal ng dalawa hanggang 35 minuto.
Tumaas din sa 3,463 tonelada ang sulfur emission habang ang temperatura ay umakyat sa 71.8 degrees Celsius.
Sa ngayon, mahigpit nang inirerekomenda ng PHIVOLCS ang pagbabawal sa pagpasok sa Taal Volcano Island at sa permanent danger zone ng bulkan.
Facebook Comments