357 lugar, isinailalim sa red category kasunod ng nalalapit na BSKE

Umabot na sa 357 ang mga lugar na isinailalim sa red category bilang bahagi ng seguridad para sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) ngayong Oktubre.

Ayon kay Philippine National Police (PNP) Public Information Office (PIO) Chief Police Colonel Jean Fajardo, matatagpuan ang 70 porsyento ng mga lugar sa red category sa Bangsamoro Autonomous Region (BAR).

Habang 1,323 lugar ang inilagay sa orange category at 1,231 lugar ang nasa yellow category.


Maliban dito, nakapagtala ang mga awtoridad ng 71 insidente kaugnay ng halalan, kung saan 8 ang validated elections-related incidents (ERIs) at 18 ang suspected ERIs.

Samantala, 45 insidente naman ang nakumpirma na walang kinalaman sa halalan sa bansa.

Facebook Comments