359 OFWs na stranded sa UAE, dumating na sa bansa!

Dumating na sa bansa ang 359 na Overseas Filipino Workers (OFWs) na stranded sa United Arab Emirates (UAE).

Ito na ang ika-10 repatriation flight na ginawa ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa UAE simula noong Hunyo.

Patuloy ang repatriation ng DFA sa mga OFW kahit na mayroong travel ban ang bansa sa UAE dahil sa banta ng COVID-19 Delta variant.


Sa ngayon ay aabot pa sa 5,000 ang naka-pending sa repatriation.

Facebook Comments