35TH DEATH ANNIVERSARY | Wreath laying ceremony isinagawa sa NAIA Terminal 1

Pasay City – Kasabay ng paggunita sa ika-35 anibersaryo ng pagkamatay ni dating Senador Benigno “Ninoy” Aquino Jr. ay sinimulan ang iba’t-ibang aktibidad na inihanda ngayong araw.

Kabilang dito ang pag-aalay ng bulaklak sa Ninoy Aquino granite marker sa departure curve sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 1 sa Pasay City.

Dumalo sa wreath laying ceremony ang ilang mga dating at kasalukuyang opisyal ng pamahalaan tulad ni Heherson Alvarez, asawa nitong Cecil Guidote, Fernando Pina at Atty. Pete Principe at mga miyembro ng August 21 Movement.


Nagtataka naman si dating Senador Heherzon Alvarez, sa kauna unahang pagkakataon, hindi pinayagan na makapag-alay ng bulaklak sa Tarmac Marker sa Ramp Number 11 ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) kung saan mismo pinatay ang dating senador noong Agosto 21, 1983.

Huminge ng paumanhin at pang-unawa ang airport authority sa di pagpayag, ang abala na dala ng Xiamen incident ang dahilan.

Maliban sa wreath laying ceremony, magkakaroon din ng misa sa kanyang puntod sa Manila Memorial Park sa Parañaque City.

Facebook Comments