36 DATING MIYEMBRO NG MGA KOMUNISTANG GRUPO SA REGION 1, NAGBALIK-LOOB SA PAMAHALAAN

Umabot sa 36 na indibidwal na dating naiimpluwensiyahan ng mga komunistang grupo ang boluntaryong nagbalik-loob sa pamahalaan sa Region 1 ngayong Nobyembre, ayon sa Police Regional Office 1 (PRO1).

Sa kabuuang bilang, tatlo ang dating kasapi ng Communist NPA Terrorist group, 19 ang tumiwalag at umatras ng suporta mula sa NPA sa mga barangay, 12 ang dating miyembro ng Communist Front Organizations, at dalawa ang mula sa Underground Mass Organizations.

Ayon sa PRO1, ang kanilang pagbabalik-loob ay indikasyon ng patuloy na pag-unlad ng mga programang pangkapayapaan at pangseguridad sa rehiyon.

Patuloy ring pinatitibay ng ahensya ang mga hakbang upang matiyak ang mas ligtas at mas matatag na komunidad kasabay ng pagbibigay suporta sa mga pamilya ng mga dating miyembro ng communist groups para sa kanilang pagbabalik sa lipunan.

Facebook Comments