36 DAY CARE PUPILS NAHANDUGAN NG SURPRESA MULA SA 104.7 IFM DAGUPAN

Ngiti at kasiyahan ang bumungad sa team ng 104.7 iFM Dagupan habang dahan-dahang ipinapasok ang mga sorpresa para sa 36 mag-aaral ng day care center sa Barangay Malabago, Calasiao.

Namahagi ang iFM Dagupan ng mga kagamitang pang-eskwela, hygiene products gaya ng Shield Bath Soap, Unique Toothpaste, at Fortified rice.

Kasama rin na isinagawa ang Maria Corrina Canoy Feeding Program, kung saan inihandog ng Barangay Malabago ang mainit-init na lugaw na may itlog para sa mga bata, kanilang mga magulang, at iba pang bisita.

Samantala nagpakitang-gilas naman ang mga bata sa pamamagitan ng kanilang masiglang pag-awit at pagsayaw sa pangunguna ng kanilang guro na si Ginang Lorena.

Ang makabuluhang araw na ito ay naglalayong maghatid ng saya at inspirasyon, at magsilbing patunay na malasakit ng iFM Dagupan sa komunidad sa ngalan serbisyo publiko.

Naging matagumpay naman ang nasabing aktibidad sa tulong ng RMN Foundation, ACS Manufacturing Corporation, Marigold Bookstore, Barangay Malabago sa pamumuno ni Punong Barangay Troy Angelo Conte at kanyang mga konsehal, Ma. Corrina Canoy Feeding program at ng inyong idol FM —104.7 IFM Dagupan.

Facebook Comments