CAUAYAN CITY- Nasa tatlumpo’t-anim na indibidwal ang sumailalim sa tatlong araw na pagsasanay sa fruit processing sa Brgy. Bannawag Norte, Santiago City.
Ang programang ito ay pinangunahan ng Departmemt of Trade and Industry kasama ang Lokal na Pamahalaan ng Santiago at Office of the Isabela 4th District Representative.
Kabilang sa mga sumailalim sa pagsasanay ay ang mga miyembro ng RIC Livelihood Groups, SSF beneficiaries, fruit processors, mango growers at farmers sa Lungsod.
Itinuro sa mga ito ang proseso ng paggawa ng dried mango, mango candy, and mango jam sa pamamagitan ng mango pectin na ginawa ng DA PhilMech.
Ang aktibidad na ito ay naglalayong palakasin ang ekonomiya, fruit processing techniques, at mga local farmers sa Lungsod ng Santiago.