36 NA KASO NG CHIKUNGUNYA SA REGION 1, NAITALA NG CHD-1; 2 PROBINSYA BINABANTAYAN

Naitala ng Department of Health-Center for Health Development Region 1 ang tatlumpu’t anim (36) na kaso ng Chikungunya sa Rehiyon 1.
Base sa pinakahuling datos ng DOH-CHd1, naitala ng lalawigan ng La Union ang pinakamataas na bilang na may 23 kaso ng naturang sakit, pumangalawa ang Pangasinan na mayroong 13 kaso at wala namang naitala ang Ilocos Sur at Ilocos Norte.
Sa ngayon, mahigpit na binabantayan ng ahensya ang dalawang probinsya dahil sa mataas na kaso ng Chikungunya.

Ayon kay DOH-CDH1 Focal Person Dr. Rheuel Bobis, ang sakit na ito ay isa lamang mild symptoms at mararamdaman ang ilang pinakamatinding epekto nito gaya ng pananakit ng katawan at kasu-kasuan.
Samantala, sinabi ng opisyal na ang sakit na ito ay isang nakakahawang sakit at infectious disease kung saan ang nagdadala ng sakit ay ang isang kagat ng lamok.
Nagpaalala naman ang ahensya na upang makaiwas sa sakit ay gawin lamang ang 4s: Search and destroy, Self-protection, Seek early consultation at Support fogging. | ifmnews
Facebook Comments