
Balik session na ang kongreso simula ngayong araw.
Ayon kay House Majority Leader and Ilocos Norte Rep. Sandro Marcos kabilang sa mga pangunahing tututukan ng Kamara ay ang pagpapasa sa nalalabing mga panukalang batas na inilatag ng Legislative-Executive Development Advisory Council (LEDAC).
48 ang LEDAC bills kung saan ang 12 ay naipasa na ng House of Representatives.
Sabi ni Marcos, mahalaga ang nabanggit na mga panukalang batas na layuning higit na mapahusay ang sektor ng agrikultura, kalusugan, edukasyon, at kapakanan ng mamamayan.
Tiniyak ni Rep. Marcos na sa ilalim ng pamumuno ni House Speaker Faustino Bodjie Dy III ay mananatiling masigasig ang kamara na matulungan ang administrasyon ni Pangulong Fedinand Bongbong Marcos Jr. na maisulong ang mga reporma na magpapahusay ng serbisyo sa mamamayan.
Ibinida rin ni Marcos na bukod sa 12 LEDAC measures ay umaabot naman sa 86 panukalang batas ang naipasa na ng Kamara sa nagdaang 22 session days bago natapos ang taong 2025.










