36 proyektong pang imprastraktura, target ipatupad ni US President Biden sa mga EDCA site sa Pilipinas

Humirit si US President Joe Biden ng 128 million dollars na pondo sa kanilang kongreso para makapagpatupad ng mga proyekto sa Pilipinas, sa ilalim ng Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA).

Kamakailan ay sinabi ni US Defense Secretary Lloyd Austin kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., na 36 na mga proyektong pang imprastraktura ang target na ibuhos ng US sa EDCA sites.

Ayon kay Austin, patunay ito ng mas pinalakas na alyansa ng dalawang bansa at ang pangakong ni Biden na depensahan ang Pilipinas laban sa anumang pag-atake sa South China Sea.


Ang mga proyekto rin aniya ay tugon sa mga capability gaps, lalo na sa humanitarian assistance and disaster response, pagtataguyod ng modernisasyon at interoperability, at pag-develop ng maritime security at maritime domain awareness.

Nabatid na sa kasalukuyan ay may siyam na EDCA sites sa bansa pero sinabi ni Pangulong Marcos na wala nang plano ang pamahalaan dagdagan pa ang mga lugar sa bansa na gagawing base ng Amerika.

Facebook Comments