3,604 new COVID cases, naitala ng DOH nitong Sabado

Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng 3,604 na bagong kaso ng COVID-19 kahapon, July 23.

Ito na ang pinakamataas na bagong kaso na naitala sa nakalipas na limang buwan.

Dahil dito, umakyat na sa 25,743 ang aktibong kaso ng COVID-19 sa bansa mula sa 24,478 active cases noong Biyernes kung saan 3,389 ang bagong tinamaan ng sakit.


Sa 3,748,979 na kabuuang kaso ng COVID-19, 3,662,566 na ang gumaling habang 60,670 ang nasawi.

Ang National Capital Region pa rin ang nakapagtala ng pinakamataas na bilang ng bagong kaso sa nakalipas na dalawang linggo na nasa 11,624; sinundan ng Calabarzon, 7,104; Central Luzon, 3,272; Western Visayas, 2,397 at Central Visayas, 1,257.

Facebook Comments