364 Pinoy seafarers na naka-quarantine sa isa pang barko sa Manila Bay, isinailalim na rin sa CPR testing

Isinailalim na rin ng Philippine Coast Guard Medical Service sa RT-PCR testing ang Pinoy seafarers na tripulante ng cruise ship M/V Carnival Spirit na nakadaong sa Manila Bay.

Lulan ng mga patrol boats ng coast guard, pumalaot ang medical team patungo sa nakadaong na M/V Carnival Spirit.

Isa-isang kinuhanan ng swab sample ang 364 na marino.


Nagsimula ang 14-araw na quarantine period ng naturang Filipino crew members ng nasabing cruise ship noong April 27, 2020 at ngayong araw ang ika-siyam na araw ng kanilang mandatory quarantine.

Ayon sa coast guard, lalabas ang resulta ng swab test ng nasabing mga seafarer sa loob ng dalawang araw.

Kapag nag-negatibo sa COVID-19 ang isang marino, agad na ipoproseso ang kanilang quarantine clearance pati na rin ang kanilang transportation service para tuluyan na silang makauwi sa kanilang pamilya.

Pero kapag nagpositibo naman ang isang seafarer, agad siyang dadalhin sa pinakamalapit na COVID-19 referral hospital para mabigyan ng lunas.

Facebook Comments