Nabigyan ng pansamantalang trabaho at tulong-pinansyal ang kabuuang 364 residente mula sa mga bayan ng San Nicolas at Tayug sa ilalim ng Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) program ng Department of Labor and Employment (DOLE).
Batay sa datos, 187 benepisyaryo ang mula sa San Nicolas habang 177 naman ang mula sa Tayug.
Ang mga kalahok ay nagtrabaho sa loob ng sampung (10) araw, tig-apat (4) na oras bawat araw.
Bilang kabayaran, tumanggap ang bawat benepisyaryo ng ₱486 kada araw o kabuuang ₱4,860 sa buong panahon ng kanilang trabaho.
Kabilang sa mga isinagawang gawain ang mga community-based activities sa barangay tulad ng paglilinis at paghahanda ng kapaligiran kaugnay ng undas at kapaskuhan noong nakaraang taon.







