365 na stranded passengers, nananatili sa Army Gymnasium

Patuloy na binibigyan ng ayuda ng Philippine Army ang mga stranded passenger na ang flights ay nakansela dahil pa rin sa nararanasang COVID-19 pandemic.

Ayon kay Philippine Army Spokesperson Colonel Ramon Zagala, hanggang kahapon, umaabot na sa 365 ang mga stranded passenger.

Sa ngayon, pansamantala silang tumutuloy sa Army Gymnasium sa Fort Bonifacio, Metro Manila at binibigyan ng mga pangunahing pangangailangan ng Philippine Army habang naghihintay ng kanilang flights.


Sinabi ni Zagala, nabawasan na ang bilang na ng mga stranded passenger dahil may 109 na stranded passengers ang aalis bukas ng alas 8:00 ng umaga sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3.

Aniya, ang 109 na stranded passenger ay binigyang ayuda kahapon ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) at isang airline company.

Nakatanggap sila ng food packs at ₱2000 at inabot na rin sa kanila ang kanilang confirmed flight tickets.

Facebook Comments