366 na mga kawani ng Navotas at mga barangay officials at members, sumailalim sa libreng swab test

Patuloy na inaanyayahan ng Navotas City Government ang mga kawani sa lokal na pamahalaan at mga barangay na samantalahin ang libreng swab test para sa COVID-19.

Sa pinakahuling tala kahapon ay umabot sa 366 ang mga sumailalim sa libreng RT-PCR test.

Kabilang sa numerong ito ang mga empleyado ng pamahalaang lungsod.


Tatagal naman hanggang Enero 15 ang libreng swab testing para sa empleyado ng lokal na pamahalaan at mga barangay.

Pagkatapos naman ng swab testing sa mga Local Government Unit (LGU) at barangay employees ay maaaring mag-paschedule na ng libreng swab testing ang mga residente at hindi residente ng Navotas pero sa lungsod naman nagtatrabaho.

Facebook Comments